Connect with us

Latest News

Land dispute sa Boracay muli na namang umiinit?

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Ni: Mary Hope Zonio

BORACAY island- Inireklamo nitong March 28 sa Malay Municipal Police Station ang isang pamilya sa Boracay matapos na diumanoy magbanta at pinilit na paalisin ang mga boarders at may-ari ng ilang kabahayan sa Bolabog, Brgy. Balabag sa Isla ng Boracay Malay, Aklan.

Base sa blotter ng Malay PNP, ang mga tagapagmana ng nasabing pamilya ay dumating sa nabanggit na lugar at diumanoy pinilit at pinagbantaan ang complainant at ang kanilang mga boarder na lisanin ang kanilang bahay at boarding house.

May ipinakita rin umano silang mga dokumentong SHERIFFS NOTICED TO VACATE na may petsang November 22, 2021, na nilagdaan ni Atty Amaldo Tejada Jr. Clerk ng Court VI, Ex- Officio Provincial Sheriff na nag- uutos sa mga may hawak ng 200 square meters na bahagi ng lote 420- F bawat ARP/ TD No.05-12-003-6676 na matatagpuan sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan

Samantala, minabuti namang idulog ng complainant sa mga otoridad ang nasabing isyu para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay