Connect with us

Latest News

Limang Aklanon sa Sudan nagsimula ng lumikas dahil sa giyera

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio
KALIBO, Aklan- Nasa Limang Aklanon na naipit sa giyera sa Khartoun, Sudan ang nagsimula ng lumikas.

Nauna nang ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas ang isang Aklanon na si Bernard Comia matapos na maipit sa nagpapatuloy na giyera sa Sudan. Kinabibilangan ng dalawang taga Balete at apat na galing ng Kalibo ang ilan lamang sa naidokumentong Aklanon ng BINN sa giyera sa Sudan.

Ayon kay Comia ng Barangay Calizo, Balete, Aklan umaabot na ngayon sa halos dalawang lingo na nasa kanilang compound para sa kanilang kaligtasan. Si Camiya ay nagtatrabaho bilang isang safety officer ng company doon.

Aniya umaabot sa mga 400 meters ang layo ng kanilang tinitirahan ngayon mula sa entry at exit point ng nasabing lugar. At dahil hindi umano gumagana ang kanilang mga airport doon ay tanging travel by land lamang ang kanilang posibleng paraan upang makalikas sa lugar kung saan nagpapatuloy ang pagsabog.

Dagdag pa nito na nangako naman ang kanilang kumpanya na magsasagawa sa kanila ng repatriation ngunit mas mabuti umano kung may dumating pang tulong mula sa gobyero ng Pilipinas upang mas mapaaga ang kanilang pag-uwi sa bansa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay