Connect with us

Lifestyle

Mas Pinasiglang Puka Shell Festival sa February 9 sa Boracay

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Shaine Sorrosa

Handa na ang komunidad ng Boracay para sa pagdiriwang ng Puka Shell Festival 2026, na itatanghal mula Pebrero 9 hanggang 11, 2026 sa baybayin ng isla. Ang festival ay muling isasagawa upang parangalan ang patrona ng lugar, Our Lady of Lourdes, at ipakita ang mayamang kultura at tradisyon ng pook.
Sa tatlong araw na selebrasyon, inaasahang dadagsain ng mga lokal at turista ang magkakaibang aktibidad tulad ng sayawan, musika, palihan sa paggawa ng handicrafts, at mga exhibit ng produktong gawa sa puka shell. Ayon sa mga organizer, layunin ng festival na itaguyod ang sining at turismo habang pinapangalagaan ang kalikasan ng Boracay.
Bukod sa mga pagtatanghal, magkakaroon din ng mga cultural tours at panalong paligsahan para sa mga kalahok. Umaasa ang mga taga-Boracay na ang pagdiriwang ay mag-bibigay inspirasyon at saya sa lahat ng dadalo.
Ang Puka Shell Festival ay itinuturing na isa sa pinakatanyag na selebrasyon nag mula sa Isla ng Boracay na naghihikayat sa lahat na maranasan ang tunay na island life, kultura at musika sa darating na Pebrero.

Bread & Butter Biscocho de Boracay