
Libacao, Aklan- Nakapagpost na diumano ng kani kanilang bail ang grupo ni imcumbent mayor Vincent Navarossa dahilan para tiwala eto na hindi sila aarestuhin ng mga operatiba ng pamahalaan.
Eto matapos kumalat ang balita na nag utos na diumano ang Sandiganbayan sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation at maging ang Philippine National Police na arestuhin si Navarossa. Kasama din sa arrests warrant ng ama nitong si Vice Mayor Charito Navarossa kasama sila Engr. Gary Gaylan, Peter Orbista at Sherwin Flores.
Ayon sa Sandiganbayan, posible diumanong nilabag ng kampo ni Navarossa ang Section 3(b) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Direct Bribery sa ilalim ng Article 210 ng Revised Penal Code.
Sa panayam ng Boracay Island News Network kay Mayor Navarossa, nanindigan eto na haharapin nila ang kaso sa Sandiganbayan, habang patuloy na nagsisilbi sa kanilang constituents sa buong bayan ng Libacao.
Hinimok naman ni Navarossa ang mga residente na maging kalmado at huwag magpadala sa mga kumakalat na mga misinformation sa kanilang bayan.