Connect with us

Commentary

Modernong Memorial Park and Crematorium Itinatayo sa Kalibo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Ang  controversial na Kalibo Memorial Park and Crematorium ay isang modernong pasilidad gamit ang pinaka bagong teknolohiya na inaasahang maipagpapatuloy ang dignidad ng mga taga Kalibo.

Ayon sa source ng Boracay Island News Network (BINN) , may kabuuang budget eto na P300,000 milyon at isasagawa eto phase by phase. Sa tradisyonal na paglibing, kabaong naa gawa sa kahoy ang kadalasang ginagamit at puwede etong pasukan ng tubig kapag bumaha.

Sa Bagong Kalibo Memorial Park and Crematorium, vault na ang gagamitin sa paglilibing at naka selyado eto dahilan para hindi na mapapasok ng tubig baha ang bangkay.

Mayroon etong bahagi na libingan ng mga Muslim na umaayon sa kanilang tradisyon, kultura at pananampalataya.

Naging kontrobersiyal eto sa kasalukuyan dahil nag protesta ang ilan sa mga residente ng Barangay Mabilo, Kalibo dahil nakadama daw sila ng pagkahilo sa initial testing ng crematorium. Lumalabas sa imbestigasyon ng BINN na bilang pagsunod sa requirements ng batas, isinalang sa unang testing ang baboy.

Ayon sa source, normal na ang pag iihaw ng baboy sa Kalibo dahil marami na ang fastfood chains sa nasabing bayan kayat ipinagtataka ng marami kung bakit may mga ilan na nakaramdam ng pagkahilo. Hindi daw eto pa kinakailangan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa ngayon dahil mayroon etong permit galing sa Department of Environment and Natural Resources-Iloilo para sa Certificate of Non-Coverage(CNC).

Ibig sabihin nito, nasa level pa ng Kalibo LGU ang pamamahala ng nasabing development project.

Sa kabuuan, patuloy ang construction ng nasabing crematorium, isa sa mga major infrastructure sa ilalim ng legacy ni Kalibo Mayor Juris Sucro.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay