
Isa na namang campaign promise ang natupad ni Senator Bam Aquino matapos pormal na ilunsad noong Lunes ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanyang Related Learning Experience (RLE) financial assistance program sa pamamagitan ng AHEAD (Allied Health Experiential Assistance for Deserving Students) grant.
Tumulong si Aquino na masiguro ang P500 milyong alokasyon sa 2026 national budget upang makatulong sa pagbayad ng RLE expenses ng mga nursing at allied health sciences students noong panahon niya bilang chairperson ng Committee on Basic Education.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Aquino na maaaring makatanggap ng one-time P25,000 RLE subsidy ang 19,000 qualified allied health science students sa ilalim ng AHEAD grant.
โMalaking ginhawa ito para sa ating mga nursing at allied health students na matagal ding nag-alala kung paano mababayaran ang kanilang Related Learning Experience (RLE) at clinical internship fees habang nagsasanay para makapaglingkod sa bayan,โ wika ni Aquino .
Noong 2025 senatorial campaign, nangako si Aquino sa kanyang mga pakikipagpulong sa nursing students na tutugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa mataas na gastos sa RLE, na kahalintulad ng on-the-job training (OJT) at requirement para sa pagtatapos.
โMatagal nating ipinaglaban na mabigyan ng suporta ang ating mga future healthcare professionals, kaya naman napakahalagang hakbang ng paglulunsad ng AHEAD (Allied Health Experiential Assistance for Deserving Students) grant ng CHED upang mas marami pang kabataang Pilipino ang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral at mas mapalapit sa kanilang pangarap na maging healthcare professionals,โ giit niya.
Nagpasalamat si Aquino sa CHED, sa pamumuno ni Chairperson Dr. Shirley Agrupis, sa pagbuo ng programang ito, agarang paglalabas ng guidelines, at pagde-develop ng portal na maaaring gamitin ng mga estudyante upang makapag-apply para sa RLE subsidy.
Sa paglulunsad ng programa, nagsagawa ng ceremonial enrollment ang 10 nursing students mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) sa pamamagitan ng online application portal para sa AHEAD grant. (https://ahead.ched.gov.ph/)