Election 2025
Partido ni Miraflores pinagpapaliwanag na ng COMELEC

KALIBO, Aklan- Pormal nang inabisuhan ng Commission on Elections (COMELEC) Central Office ang grupo na pinangungunahan ni dating Congressman Florencio Miraflores na hinihingi nito ang paliwanag hingil sa reklamong disqualification case na isinampa laban sa kanila.
Maliban kay Miraflores, ipinagpapaliwanag din ang ibang respondents katulad nila Governor Jose Enrique “Joen” Miraflores; kandidato sa ika-1 Distrito si Jesus “Papa Jess” Marquez; kandidato sa Bise Gobernador na si Dexter Calizo; at mga kandidato sa Provincial Board na sina Bayani “Jojo” Cordova, Romeo “Lolong” Dalisay, Jupiter Aelred Gallenero, Atty. Ricardo “Tingtong” Ibarreta, Jr., at Plaridel “Larry” Solidum.
Sa kopya ng dokumentong nakuha ng Boracay Island News Network mula sa mga sources sa Metro Manila, ang summon ay pinirmahan ni Atty. Genesis Matatdula, clerk for Commission ng COMELEC First Division. Maliban sa mga respondents, binigyan din ng kopya ag mga opisina nang COMELECna COMELEC-RegionVI, Aklan Provincial COMELEC at ang lokal kung saan naniniraha ang mga respondents.
Ang reklamong disqualification ay bunsod ng reklamong inihain ng mga botante sa bayan ng Buruanga, Aklan at Batan, Aklan.
Ayon sa mga petitionerNakasaad sa dokumento ang mga sumusunod na umano’y iregularidad: naodikumento nila diumano ang mga sumusunod na diumanoy ilag election offenses:
*Pamimigay ng fuel vouchers na pinondohan umano mula sa pondo ng LGU
*Paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng pamahalaan para sa political sorties


