Connect with us

Latest News

Rylo Tumbukon Nangakong Magbibigay ng Karagdagang P10 K Reward Money sa Nabas Rape Slay

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Nabas, Aklan- Nangako si Rylo ‘Starboy’ Tumbukon ng karagdagang P10,000 na reward money sa sino mang makakapagturo paera sa ikakalutas ng kaso sa brutal na panghahalay at pamamaslang sa isang 14 anyos na dalagita sa Barangay Unidos, Nabas Aklan.

Kamakailan, inihayag ni Police Major Mark Anthony Gesulga na may P40,000 nang reward sa sino mang makakapagturo sa pagkakalutas ng kaso sa pagkakamatay ng dalagita. Ang ibig sabihin nito, umabot na sa P50,000 ang reward money sa ikakalutas ng kaso.

Ayon kay Gesulga, ang P20,000 na reward money ay nalikom ng pamilya ng biktima at ang karagdagang P20,000 ay galing sa isang hindi kinilalang barangay official.

Sa panayam ng Boracay Island News Network kay Tumbukon, sinabi nitong kinokondena niya ang pamamaslang sa biktima at umaasa etong makakatulong ang kaniyang ipinapangakong P10,000 para mapabilis ang paglutas sa krimen.

“Kailangan na  natin etong malutas sa lalong madaling pagkakataon at mahuli na ang suspek at nang hindi na eto makakapang biktima ng iba pa,” pahayag ni Tumbukon.

Si Tumbukon ay isang negosyante sa Metro Manila at tubong Numancia, Aklan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay