
Ni: Shaine Sorrosa
Culasi, Antique- Inaprubahan ng Sangguniang Bayan (SB)ย ng Culasi, Antique ang Ordinansa Blg. 2025-289 na nagbibigay ng Academic Excellence Awards at cash incentives sa mga Top 3 Senior High School graduates sa bawat paaralan sa bayan.
Ang ordinansa ay isinulong ni SK Municipal Federation President Arnold B. Sudario II at layuning kilalanin ang mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan sa akademya. Ito rin ay hakbang ng lokal na pamahalaan upang patuloy na hikayatin ang mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral.
Pinangunahan nina Mayor Joel Alpas Lomugdang, Vice Mayor Jose Jeffrey Y. Lomugdang, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pag-apruba sa ordinansa, bilang suporta sa sektor ng kabataan at edukasyon.
Ang programang ito ay inaasahang magsisimula sa mga susunod na taon ng panuruan at magiging dagdag motibasyon sa mga estudyante na patuloy na magpursige sa kanilang pag-aaral.