
Ni: Mary Hope Zonio
Kalibo Aklan———-Naipamahagi na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Aklan ang 1st tranche ng kanilang ipinamimigay na fuel subsidy para sa mga mangingisda.
Ayon kay Megan Bernadeth Magno, Admin technical staff ng BFAR-Aklan na nasa kabuuang 476 na mga mangingisda o fisherfolks ang kanilang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng programa.
Sa nasabing bilang, 139 rito ay mula sa bayan ng Numancia, 91 sa Makato , 181 sa Batan at 65 sa Altavas. Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig 3,000 pesos na ayuda na deriktang ipinasok sa kanilang mga discount card na puwedi nilang gamitin kapag sila ay bibili ng gasolina para sa kanilang bangka na ginagamit sa pangingisda.
Pinaalahanan rin ng BFAR ang mga benepisyaryo na huwag kunin ng buo ang 3,000 pesos at tsaka lamang gamitin kung wala ng gasolina ang kanilang mga bangka. Dagpag pa nito na sa ngayon ay nagpapatuloy rin ang paglilista ng kanilang opisina para naman sa mga makakatanggap 2nd tranche ng fuel subsidy.
Upang mapabilang sa mga makatanggap, kailangan lamang na ang isang mangingisda hay rehistrado sa kanilang munisipyo. Dapat rin na mayroon itong sariling bangka na mayroong motor na ginagamitan ng gasolina.