
Ni Mary Hope Zonio
KALIBO, AklanMatapos ang ipinamalas na galing sa Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan Ilocos Sur noong Disyembre 17 hanggang 21 ngayong taon ay hindi nabigong makapag-uwi ng mga medalya ang isang Grade 7 student mula sa lalawigan ng Aklan na si Nuche Veronica V. Ibit.
Ayon sa kanyang coach na si JB De Leon, nakuha ni Ibit mula sa bayan ng New Washington ang Gold medal sa kabuuang 96 na mga sumali sa swimming sa kategoryang 50 meter freestyle; silver medal sa 112 na sumali sa 100 meter freestyle at naging 4th placer naman sa kategoryang 50 meter backstroke, 50 meter butterfly at 200 meter.
Napag-alaman na sa kabuuang medal tally ang Aklan ay nasa ika-31 na puwesto matapos na makakuha ng 17 na mga medalya na kinabibilangan ng 4 gold medals, 6 silver medals, at 7 bronze medals. Inaasahang malaki ang matanggap na premyo ng mga atletang Aklanon mula sa nasabing kompetisyon matapos makapag-uwi ng maraming medalya sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon.