Connect with us

Advisory from the Government

Mga tour guides at coordinators, hindi na bibigyan ng health card kung walang endorso mula sa Tourism Office

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay


Ni: Mary Hope Zonip
Boracay Island, Malay Aklan-Upang maitaguyod ang malakas na industriya ng turismo sa Isla ng Boracay at mabigyan ng kasiguruhan ang mga turistang bumibisita sa Isla, inuutos ngayon ng Local Government Unit o LGU-Malay na dumaan muna sa seminar ang mga Tour Guides/ Tour Coordinators upang mabigyan ng ideya kung paano ang tamang gawin sa harap ng mga turista at iba pang mga training na dapat malaman ng isang frontliner.

Ayon sa ipinalabas na Memorandum Order No. 2022-079 ni Malay Mayor Frolibar Bautista inuutos nito sa Municipal Health Office lalo na sa OIC- Municipal Health Officer na si Dr. Athena Magdamit ang hindi pag-proseso ng health card para sa mga tour guides/tour coordinators na walang endorsement mula sa Tourism Office.

Napag-alaman na ang nasabing memorandum ay nilikha noong Agosto 8, 2022 ngunit lumabas lamang nitong Enero 13 ng kasalukuyang taon. Epektibo naman ito mula sa petsa kung kailangan ipinalabas.

Bread & Butter Biscocho de Boracay