
Ni: Mary Hope Zonio
KALIBO, Aklan- Nakatakdang magkaroon muli ng direct flight ang Kalibo International Airport papunta sa China. Ayon kay Engr. John William Fuerte, Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP-Aklan na mula sa petsa 26 ng Abril ay mayroon ng direct flight ang OK Air mula sa Changsha, China.
Inaasahan na magkakaroon eto ng flights tatlong flights sa isang lingo linggo.
Samantala, simula sa Abril 20, 2023 naman ay papasok na ang Philippine Airlines o PAL mula sa Incheon, South Korea papunta sa Kalibo International Airport vice versa na may daily flights bandang11:30 ng umaga. Ito ay maliban pa sa T’way Air, Air Seoul at Tiger Air na mayroong biyahe mula sa Incheon Airport papunta sa Kalibo International Airport.
Sa Hunyo ay inaasahan na muli ring babalik ang flight ng AirAsia sa China at Taipei, Taiwan.
Dahil dito, inaasahang magbabalik na rin ang mga Chinese tourist sa Isla ng Boracay na sila ang nangunguna sa tourist arrival bago pa man ang pagtama ng pandemya dulot ng COVID-19.
You sent
tnx