
Pandan, Antique- Hindi na nagulat ang maraming mga taga Antique nang ibalita na nag file si dating Pandan Mayor Jonathan ‘Tantan’ Tan sa pagka gubernador ng lalawigan ng Antique.
Sa panayam ng Boracay Island News Network kay Tan, dala niya ang kaniyang impluwensiya sa lalawigan para higit na mapaunlad ang pamumuhay ng mga residente rito.
Nakilala si Tan bilang dating alkalde ng Pandan, Antique at maganda ang naging record niya sa pamamahala. Ilan lamang dito ang pag unlad ng Pandan at ang proyekto niyang isang modernong transport terminal na ipinagkaloob ng San Miguel Corporation.
Matapos magsilbing mayor, nakipagsapalaran si Mayor Tan sa Luzon hangang sa siya ay mahirang na adminsitrator ng maimpluwensiyang Subic Bay Metropolitan Authority. Pagkaraan ng ilang buwan, personal siyang hinirang ni Presidente Bongbong Marcos Jr na maupo bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa pag upo niya sa puwesto, mas lalong lumawak ang kaniyang mga natutunan sa hanay ng administrasyon sa lokal na pamahalaan at impluwensiya.
Naniniwala si Tan na kapag siya ay naupong gubernador mas marami siyang matutulungan, partikular na itinuturing niyang kaibigan si Presidente Marcos.
Ilan lamang sa mga programa ni Tan ay mapataas ang antas ng kalusugan, turismo, hanapbuhay at iba pa.
“Plano ko ring gawing freeport zone ang lalawigan ng Antique,” pahayag pa ni Tan.