Connect with us

Election 2025

Baronda di tumupad sa kasunduan kay Speaker Romualdez, nag-endoso ng kandidato sa pagka-alkalde — Trenas

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Iloilo City- Inakusahan ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas si Iloilo City Lone District Representative Julienne โ€œJamjamโ€ Baronda ng pagtalikod sa kanilang kasunduan kay House Speaker Martin Romualdez matapos itong mag-endorso ng kandidato sa pagka-alkalde para sa 2025 elections.

Ginawa ni Trenas ang pahayag matapos tanungin tungkol sa hayagang pag-endorso ng Team Sulong Gugma — ang partido ni Baronda — kay Rolando Magahin bilang mayor.
Tumatakbo si Magahin bilang Mayor laban sa anak ni Trenas na si Raisa.
โ€œI have personally seen tarpaulins confirming this, and aside from these materials, Mr. Magahin was also seen and heard being interviewed by partymates of Team Sulong Gugma,โ€ wika ni Trenas.
โ€œThis is a blatant violation of the agreement we made, an agreement reached together with Speaker Martin Romualdez and our higher authorities in the national leadership,โ€ dagdag pa niya.
Tiniyak ni Trenas na maghahain siya ng reklamo kay Romualdez matapos ang halalan.
Si Speaker Romualdez umano ang namagitan sa kompromiso sa pagitan ng mga kampo ni Trenas at ni Baronda upang hindi na magtunggali para sa posisyon ng pagka-alkalde at pagka-kongresista.
Ngunit lumitaw sa pagbusisi sa mga social media post na aktibo ang Team Sulong Gugma sa pagsuporta sa kandidatura ni Magahin.
Kumakalat din online ang mga larawan ni Magahin na naka-finger heart, isang simbolo na may kaugnayan sa Sulong Gugma.
Makikita rin sa internet ang digital posters mula sa mga tagasuporta ni Magahin na inuugnay ang kanyang pangalan sa line-up ng Team Sulong Gugma.
Lumagda kamakailan si Baronda sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay