
Kung sanay tayo tuwing eleksyon na may mga posters,flyers at iba pang campaign materials na ikinakalat kung saan-saan ng mga kandidato, ibahin nyo si dating Speaker Alan Peter Cayetano dahil magiging digital ang kanyang national campaign kasabay ng paglulunsad ng eco-friendly lead by example campaign trail sa knayng pagbabalik senado.
Ayaw ng mag aksaya ni Cayetano ng tinta, papel at iba pang mga materyal na ginagamit sa paggawa ng posters at iba pang gamit sa kampanya. Marami rin daw punong kahoy ang nasisira sa iilang buwan lang na kampanya lalo na yung mga puno na pinagpapakuan ng mga campaign materials ng mga kandidato.
Ang digital campaign ni Cayetano ay base na rin sa pag-aaral ng Pusle Asia na 63% na mga Pilipino ang may access sa internet. Kaya hinikayat ni Cayetano ang kanyang mga supporters sa buong bansa na huwag ng mag-imprenta ng anumang campaign material bilang tulong sa kanya bagkus samahan sya sa kanyang pangangampanya sa iba’t ibang social media platforms.
Hinikayat din ni Cayetano ang kanyang mga kababayan na magtanim ng mga puno at bakawan sa kanayunan at magkaroon ng mga urban gardens sa mga kalungsuran dahil nakasalalay anya ang kinabukasan ng mga kabataan sa ating mga ginagawa sa kasalukuyan. Hindi rin magsasagawa ng motorcades si Cayetano gaya ng ibang kandidato bilang respeto sa kanyang eco-friendly campaign trail pagbalik sa senado.
Sinabi pa ni Cayetano na ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga na din sa ating mga sarili at wag ng antayin na magkaroon pa ng mga kalamidad para ito ay isapuso ng lahat.####