
Yapak- En Banc Kumilos sa Mataas na Profileng Disqualification Case ng Yapak Punong Barangay; Motion para sa Certificate of Finality at Proklamasyon, Inirefer sa Ponente
Aklan, Philippines — Isang bagong yugto ang nagbukas sa kontrobersyal na disqualification case laban kay Punong Barangay Hector A. Casidsid ng Barangay Yapak, Malay, Aklan matapos magpalabas ang Commission on Elections (COMELEC) En Banc ng isang Order na may petsang Hulyo 7, 2026, kung saan tinanggap (NOTED) at inirefer (REFERRED) sa ponente ang isang Urgent Motion na humihiling ng agarang pagpapatupad ng naunang desisyon ng COMELEC Second Division.
Ang kaso, na nakarehistro bilang SPA No. 23-216 (BRGY), ay inihain ni Crisostomo B. Aquino laban kay Casidsid dahil sa umano’y pagtakbo nito para sa ikaapat na sunod na termino bilang Punong Barangay, na ipinagbabawal ng Konstitusyon at ng Local Government Code.
Ano ang Nilalaman ng Motion?
Ayon sa Order ng En Banc, ang mosyon na isinumite ng counsel ng petitioner noong Hunyo 30, 2026 ay humihiling na:
1. ipatupad ang Resolution ng COMELEC Second Division noong Marso 11, 2026;
2. ideklara na si Hector Casidsid ay hindi kailanman naging kandidato, at ang lahat ng boto para sa kanya ay stray votes;
3. ideklara si Marlyn G. Villaresis bilang kandidatong may pinakamataas na bilang ng mga balidong boto;
4. lumikha ng Special Board of Canvassers upang maiproklama si Villaresis bilang bagong Punong Barangay ng Yapak.
Gayunman, wala pang naging desisyon ang En Banc sa mga kahilingang ito. Ang inilabas nitong Order ay nagsasaad lamang na ang mosyon ay “NOTES and REFERS to ponente”, ibig sabihin ay ipinasa ito sa mahistradong nakatalaga sa kaso upang pag-aralan at paghandaan ng resolusyon.
Balikan: Ano ang Naging Pasya ng COMELEC Second Division?
Noong Marso 11, 2026, naglabas ang COMELEC Second Division ng isang pitong pahinang Resolution na nagbigay ng pabor sa petisyon ni Aquino.
Napag-alaman ng Second Division na:
si Casidsid ay nahalal bilang Punong Barangay noong 2010, 2013 at 2018;
muli siyang tumakbo noong 2023 BSKE para sa parehong posisyon;
ang dalawang buwang preventive suspension na ipinataw sa kanya noong ikalawang termino ay hindi nagputol sa continuity ng kanyang serbisyo;
samakatuwid, itinuturing siyang nakapagsilbi ng tatlong magkakasunod na termino at hindi na maaaring tumakbo muli.
Preventive Suspension, Hindi Naputol ang Termino
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Resolution ay ang paglilinaw na:
Ang preventive suspension ay pansamantalang pagbabawal lamang sa isang opisyal na gampanan ang kanyang tungkulin at hindi nag-aalis ng kanyang titulo sa posisyon.
Dahil dito, patuloy pa ring tumatakbo ang termino habang suspendido ang opisyal.
Ginamit ng Second Division ang mga umiiral na desisyon ng Korte Suprema upang sabihing ang preventive suspension ay hindi interruption of service para sa three-term limit rule.
May Material Misrepresentation sa COC
Ayon pa sa Resolution, dahil hindi na maaaring tumakbo si Casidsid matapos ang tatlong sunod na termino, ang kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy ay naglalaman ng material misrepresentation tungkol sa kanyang kwalipikasyon.
Ito ang naging batayan upang kanselahin ang kanyang Certificate of Candidacy (COC).
Mangudadatu Doctrine ang Ginamit
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng desisyon ay ang pag-asa ng Second Division sa kamakailang desisyon ng Korte Suprema sa Datu Pax Ali S. Mangudadatu vs. COMELEC.
Batay rito, sinabi ng Second Division na kapag nakansela ang COC ng isang nahalal na opisyal at nagkaroon ng permanent vacancy, ang pagpuno sa bakante ay dapat gawin sa ilalim ng rules on succession (Rank 1 Sangguniang Barangay) ng Local Government Code, at hindi sa simpleng pagproklama sa kandidatong pumangalawa sa halalan.
Ano ang Ibig Sabihin ng Bagong Order ng En Banc?
Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon ang COMELEC En Banc tungkol sa Motion.
Ang inilabas nitong Order ay procedural lamang.
Hindi nito:
ina-affirm ang Second Division;
hindi rin ito nagre-reverse;
wala ring proklamasyon;
wala ring Certificate of Finality.
Ang tanging ginawa ng En Banc ay ipasa ang mosyon sa ponente para sa pag-aaral at pagbalangkas ng nararapat na resolusyon.
Ano ang Posibleng Susunod na Mangyari?
Matapos ang referral sa ponente, maaaring:
maglabas ang ponente ng draft resolution;
talakayin ito ng COMELEC En Banc;
bumoto ang mga Commissioner;
maglabas ng pinal na Resolution ng En Banc.
Ang magiging desisyon ng En Banc ang magpapasya kung:
pananatilihin ang desisyon ng Second Division;
babaguhin ang remedyo;
o magkakaroon ng ibang legal na direksyon batay sa umiiral na batas at jurisprudence.
Malaking Epekto sa Barangay Yapak
Mahalaga ang magiging magiging pasya ng En Banc dahil direktang maaapektuhan nito ang liderato ng Barangay Yapak.
Kung pagtitibayin ang cancellation ng COC at magiging pinal ang desisyon, ang susunod na hakbang ay nakasalalay sa magiging interpretasyon at aplikasyon