Connect with us

Agriculture

DA-Western Visayas Naghahanda sa Posibleng Pinakamalalanh El Nino, Aklan Kabilang sa Tututukan

Published

on


KALIBO, AKLAN โ€” Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) Western Visayas sa posibleng matinding epekto ng El Niรฑo, partikular sa mga lugar na higit na vulnerable sa matagal na tagtuyot gaya ng Aklan.
Ayon kay DA Western Visayas Regional Executive Director Dennis Arpia, kailangang maging maagap ang mga magsasaka at iba pang sektor ng agrikultura upang mapagaan ang posibleng epekto ng matinding tagtuyot sa produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga paghahandang isinusulong ng DA ang pagmamatch ng mga supplier ng binhi sa mga magsasaka at mga pasilidad na maaaring pag-imbakan ng ani, upang matiyak ang maayos na daloy ng agricultural inputs at produksyon.
Binibigyang-pansin din ng DA ang pag-regulate sa pagpasok ng imported rice sa Western Visayas, bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang balanse sa suplay ng bigas at maprotektahan ang lokal na produksyon.
Kasabay nito, hinimok ni Arpia ang mga magsasaka, lalo na sa mga lugar na madaling tamaan ng tagtuyot, na mag-diversify ng kanilang itinatanim at huwag umasa lamang sa mga pananim na nangangailangan ng malaking suplay ng tubig.
Aniya, makatutulong ang crop diversification upang mabawasan ang panganib sa kabuhayan ng mga magsasaka sakaling lumala ang El Niรฑo at tumagal ang kakulangan sa ulan.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DA sa mga lokal na pamahalaan, farmers’ organizations at iba pang agricultural stakeholders upang mapalakas ang paghahanda ng Western Visayas sa posibleng matinding epekto ng El Niรฑo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay