Connect with us

Politics

Baguilat Nagsagawa ng Serye ng Konsultasyon sa Aklan

Published

on


Kalibo, AKLAN โ€” Nagsagawa ng serye ng konsultasyon si ML Partylist Representative Teddy Baguilat kasama ang mga magsasaka, kababaihan at senior citizens sa Aklan upang talakayin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at suliranin.
Isinagawa ang mga konsultasyon sa pakikipag-ugnayan sa Busoe Aklan, kung saan direktang nakinig si Baguilat sa mga hinaing at mungkahi ng mga sektor sa mga komunidad.
Isa sa mga pangunahing tinutukan sa konsultasyon ang pangangailangan ng mga magsasaka para sa pinansyal at teknikal na tulong, partikular sa mga magsasakang nangangailangan ng maayos na irigasyon at mga nagtatanim ng high-value vegetables o mga gulay na may mataas na halaga sa merkado.
Layunin ng inisyatiba na maisulong ang mga programang maaaring makatulong sa pagpapalakas ng produksyon ng mga magsasaka, kabilang ang suporta sa irrigation facilities, farm inputs, teknolohiya at iba pang teknikal na pangangailangan.
Tinalakay rin ang iba pang isyung kinakaharap ng mga magsasaka, kababaihan at senior citizens, na maaaring maisama sa mga rekomendasyon para sa kaukulang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Baguilat, mahalaga ang direktang pakikipagdayalogo sa mga komunidad upang matukoy ang kanilang aktuwal na pangangailangan at maisulong ang mga programang makatutugon sa kanilang mga problema.
Sa pamamagitan ng mga konsultasyon, layunin ng ML Partylist na maihatid sa mga kinauukulang ahensya ang mga hinaing ng mga sektor sa Aklan at i-lobby ang kinakailangang pinansyal at teknikal na suporta, lalo na para sa mga magsasaka at iba pang sektor sa kanayunan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay