Connect with us

Politics

‘General Luna: John Arcilla Muling Tumindig Para sa CADENA Act

Published

on

Habang walang baha.

Nakiisa ang beteranong actor na si John Arcilla sa lumalakas na panawagan para sa pagsasabatas ng Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act kasunod ng mga nangyaring pagbaha sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa.

Sa kanyang Facebook account, nag-share si Arcilla, na mas kilala sa kanyang papel sa pelikulang โ€œHeneral Lunaโ€, ng post ni Jaycon Verallo, na nananawagan sa kapwa content creator na paingayin ang panukalang batas ni Aquino.

โ€œCalling all Content Creator na paingayin ang panukalang batas ni Bam Aquino ang โ€˜CADENA ACT,โ€™โ€ wika ni Verallo.

โ€œWalang kulay ang batas na ito.Dahil lahat ng Senador pabor dito, Kahit dito manlang magkaisa tayo,โ€ dagdag pa niya.

Nakapasa na ang Senate Bill No. 1506 ni Aquino sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado noong Disyembre 15, 2025, sa botong 17-0, nang walang tumutol o nag-abstain. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuusad sa Kamara.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Arcilla ng suporta sa panukala ni Aquino, na kilala rin bilang Blockchain the Budget Bill.

โ€œAng panukalang ito ay hindi si Senator Bam Aquino ang makikinabang kundi ang Mamamayang Pilipino. Mabuhay po kayo Senator,โ€ wika ni Arcilla sa isang Facebook post.

Binigyang-diin ni Arcilla na ang paggamit ng blockchain technology sa pagba-budget ng gobyerno ay magtitiyak ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa ilalim ng CADENA Act, inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na mag-upload at regular na magpanatili ng detalyadong mga dokumentong may kaugnayan sa badyetโ€”kabilang ang mga kontrata, halaga ng proyekto, bills of materials, at mga rekord ng procurementโ€”sa isang Digital Budget Platform.

Layunin ng sistema na matiyak na ang lahat ng file ay pampublikong maa-access, protektado laban sa hindi awtorisadong pagbabago, nasusubaybayan, open-source, at nabe-verify.

Nauna nang nagpahayag ng suporta sa CADENA Act ang ibaโ€™t ibang mga artista, musikero at influencer sa panukala, kabilang na ang beteranong aktor na si Edu Manzano, Cinemalaya Best Actress Pokwang, radio host na si DJ JhaiHo, digital creator na si Aviona Starr, content creator na si Lexi Mercader, at vlogger na si Kimifierce.

Nag-share at nag-like naman sa post Aquino na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng CADENA Act sa pagpuksa ng korapsyon at pagtataguyod ng transparency sa pamahalaan sina RiverMaya frontman at drummer Mark Escueta, theater actor Phi Palmos, dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate Justin Dizon, comedienne at actress Inah Evans, influencer Andrea Guevarra, athlete at entrepreneur Enzo Bonoan, Moy Ortiz ng The Company, singer Cooky Chua, host Mela Habijan, at musician Aiman Borres.

https://www.facebook.com/share/p/19Pr7EkXrt/

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay