Commentary
COMPASS:Dapat Transparent At Accountable Ang Bawat Government Projects Sa Aklan

Ni: Guillermo Sumbiling
Ang pagpapatupad ng COMPASS (Centralized Open Monitoring Platform for Appropriations and Spending Statistics) sa ilalim ng Executive Order No. 126 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay isang mahalagang hakbang para masiguro na tama at maayos ang paggamit ng pera ng bayan.
Para sa Aklan, magandang pagkakataon ito upang magkaroon ng mas malinaw na monitoring sa mga government projects tulad ng kalsada, tulay, public markets, hospitals, drainage systems, at iba pang infrastructure projects.
Ang pera ng gobyerno ay pera ng taumbayan. Kaya may karapatan tayong malaman kung saan at paano ito ginagastos.
Dapat maging transparent ang Provincial Government of Aklan at ang 17 municipalities sa kanilang mga proyekto.
Sa pamamagitan ng COMPASS, dapat madaling malaman ng ordinaryong mamamayan ang mga sumusunod:
โข Magkano ang budget ng proyekto?
โข Sino ang contractor at paano ito napili?
โข Kailan dapat matapos ang construction?
โข Magkano na ang aktuwal na nagastos?
โข Maayos ba ang kalidad ng natapos na proyekto?
Hindi sapat ang project billboard na nakikita natin sa tabi ng kalsada. Kailangan ng regular na public reporting tungkol sa gastos, progress, at dahilan ng anumang delay.
Dapat accountable ang ating mga Governor, Mayor, at iba pang local government officials sa bawat pisong ginagastos nila mula sa public funds.
Hindi dapat matapos ang kanilang responsibilidad pagkatapos maaprubahan ang budget. Dapat nilang siguraduhin na ang proyekto ay maayos, matibay, at tunay na napapakinabangan ng mamamayan.
Mahalaga rin ang participation ng business sector, civil society, at local media sa pag-monitor ng mga proyekto.
Bagamaโt voluntary lamang para sa LGUs ang paggamit ng COMPASS, dapat manguna ang Aklan sa pagpapatupad nito.
Hindi na kailangang hintayin pang gawing mandatory ang transparency.
Ang tanong: Handa ba ang ating mga local officials na ipakita sa publiko kung paano nila ginagastos ang pera ng bayan?
Ang tunay na public service ay hindi lamang paggawa ng proyekto, kundi pagiging tapat at handang managot sa resulta nito.
Public office is a public trust. Ang pera ng bayan ay dapat gamitin para sa bayan, hindi para sa pansariling interes.
Panahon na para gawing normal sa Aklan ang transparent government, responsible spending, at tunay na accountability.
Walang dapat itago kung walang dapat ikatakot!


