
Ni: Mary Hope Zonio
Muling sumali ang lalawigan ng Aklan sa tatlong araw na Philippine Travel Mart 2022 na nagbukas noong Setyembre 30 at nagtapos sa Oktobre 2 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ayon kay Aklan 2nd district Sangguniang Panlalawigan member Jay Tejada na maliban sa pagpakita ng mga nangungunang tourist destination sa lalawigan lalo na ang sikat na isla ng boracay ay ipinakita rin ang piña fabric ng aklan na kinikilala bilang isa sa pinakamagandang tela hindi lamang sa buong Pilipinas kungdi sa buong mundo.
Nagrampa rin aniya ang mga Municipal Mayor at ang iba pang mga opisyal ng lalawigan kasama sina Governor Joen Miraflores at Vice Governor Reynaldo Quimpo suot ang mga ipinagmamalaking barong at gowns bilang cultural show.
Napag-alaman na masobra sa 300 na mga exhibitors ang sumali sa event na nagbibigay ng hanggang sa 50 porsiyento na discounts sa pamasahe sa eroplano, accomodation lalo na sa local and international travel packages sa mga gustong magbakasyon sa iba’t ibang mga tourist spots sa bansa.
Kampante naman aniya ang mga exhibitors na madagdagan ang kanilang kita ngayon na lubusan ng niluwagan ang travel restrictions at dinagdagam ang mga tourism activities matapos ang masobra sa dalawang taon ng striktong pagpatupad ng protocol sa pagbiyahe at lockdown dala ng covid 19 pandemic.