Connect with us

Latest News

Ballsy Aquino nag-ikot sa Tarlac para kay Senator Ba

Published

on

 

Tarlac- Nagtungo si Ballsy Aquino-Cruz — anak nina dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III – sa kanyang bayan sa Tarlac para ikampanya ang pinsan na si dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Nag-palengke run si Ballsy sa Tarlac Public Market sa Tarlac City, kung saan nagpamigay siya ng tarpaulin, sticker at leaflet, at nakipag-usap sa mga tindera at mga namimili ukol sa mga nagawa ni Bam at mga gagawin pa kapag nakabalik sa Senado.

 


Nakasama ni Ballsy ang asawa at kapatid ni Bam na sina Timi at PV, at iba pang miyembro ng pamilya Aquino, kabilang na ang kanilang pinsan na si Jackie Aquino, anak ni dating Senador Butz Aquino.

Naglabas din si Ballsy ng endorsement video, kung saan binanggit niya ang kahalagahan ng edukasyon para kay Bam, na isinulong ang maisabatas ang Free College Law sa unang termino niya bilang Senador.

“Bata pa lang si Bam, importante sa kanya ang edukasyon. Siya ay nagtrabaho nang maigi, nagtapos ng grade school, high school at college ng valedictorian. Nagtapos siya ng Summa Cum Laude at Management Engineering ang kanyang tinapos,” wika ni Ballsy.

“Noong siya’y naging senador, pinagtrabaho niya na magkaroon tayo ng libreng edukasyon para sa mga gustong magpunta sa college. Marami pang maitutulong si Bam para sa ating lahat. Kaya sana po, ibalik natin siya sa Senado,” dagdag pa niya.

Nagsilbi si Ninoy bilang Mayor ng Concepcion, Tarlac, at naging vice governor at gobernador ng lalawigan, bago nahalal bilang senador.

 

CAPTION

Ballsy Aquino-Cruz—daughter of former Senator Ninoy Aquino and former President Cory Aquino, and sister of former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III — campaigns for her cousin, former Senator and independent senatorial candidate Bam Aquino on Friday (April 4) at the Tarlac Public Market in Tarlac City.

She was joined by Bam’s wife and brother, Timi and PV, along with other members of the Aquino family, including their cousin Jackie Aquino, daughter of the late former Senator Butz Aquino.