Connect with us

Politics

Barangay Pinyahan Labis ang Pasalamat kay Senator Bong Go

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Quezon City- Nagpahayag ng labis na pasasalamat ang Barangay  Pinyahan Quezon City sa tulong na pinagkaloob ni Senator Bong Go sa mga nabiktima ng insidente ng sunog.
“Ipinahahayag po ng ating Punong Barangay Ric Villaflor ang lubos na pasasalamat kay Senador Bong Go sa kanyang malasakit at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog. Ang tulong na ito ay nagmula sa personal na kakayanan ni Senador Go, patunay ng kanyang tunay na pagmamahal sa barangay at sa mga mamamayan nito. Ang kanyang pag-aalala at pagtulong sa mga nangangailangan ay isang inspirasyon sa ating lahat,” eto ang opisyal na pahayag ng Barangay sa kanilang Facebook post.
Napag alaman na kasalukuyang nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa ulat ng ilang biktima ng insidente ng sunog ay nakatangap diumano ng puro karton na laman ng balde.
 
Humihingi po kami ng paumanhin kay Senador Bong Go sa mga hindi makatarungang pagpuna at malisiosong post sa social media na maaaring nakasakit sa kanya. Ang mga ganitong uri ng komento ay hindi sumasalamin sa tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa na ating pinahahalagahan. Sa ating mga constituent, unawain po natin sana na hindi obligasyon ng isang Senador na mamigay ng relief packs — at lalong hindi na nila trabaho na intindihin pa kung paano ang packaging ng mga ito.Imbes na punahin ang ganitong mga bagay, magpasalamat na lamang po tayo sa anumang biyaya na nakukuha natin, kanino man ito galing.” saad pa ng nasabing barangay.
Hindi naman daw kailangang pumila ng pitong oras ang mga benepisaryo dahil ang anunsyo ng barangay ay alas diyes mamimigay ng ayuda. Ayon sa ulat, ilan sa mga residente ay pumila pa ng alas singko ng madaling araw.
Nauna nang sinabi ni Senator Bong Go na ang puso niya ay nasa mga Filipino na nakakaranas ng paghihirap bunsod ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Bread & Butter Biscocho de Boracay