Connect with us

Commentary

Mahalagang Payo ni Pads para sa mga Kabataan ngayong Semana Santa

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Rev Fr Pol Villalva

Mahal na Araw + Bakasyon = Pwedeng Balansehin

REAL TALK:
Bakasyon na, gusto mong magpahinga, gumala, at makasama ang family at mga friends mo.
Pero ngayong Mahal na Araw, may paanyaya rin si Lord na palalimin ang relasyon natin sa Kanya.

GOOD NEWS:
Hindi mo kailangang pumili. Pwede mong balansehin o pagsabayin.

🙏 Kahit konting time kay God, malaking bagay
Kahit 10–15 minutes na dasal o Gospel reading (Mateo 26–28) gamit ang phone o bibliya sa inyong bahay – solid na ‘yan.

📱 Gawing “tool,” hindi “trap” ang phone
• Makinig sa reflections o homily
• Magbasa ng daily Gospel
• Sumabay sa online Mass kung may valid reason na di makaatend

“Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig…” (Roma 10:17)

📴 Mag-“digital break” din
Try mag-unplug kahit sandali – lalo na sa Biyernes Santo.
Less ingay = mas maririnig mo si God.

📍 Alamin ang schedule ng Simbahan o Parokya
Magkusang mag-check:
• Parish Facebook page / website
• Bulletin board sa simbahan
• Tanungin ang parish office

👉 Maliit na effort, malaking tulong para makasabay ka sa mga gawain.

⛪ Don’t miss the Triduum (highly encouraged!)
Makiisa sa pinakamahalagang araw:
• Huwebes Santo (Last Supper / Eucharist)
• Biyernes Santo (Passion & Death of Christ)
• Sabado de Gloria (Vigil / paghihintay)
• Easter Sunday (Resurrection!)

👉 Ito ang heart ng Mahal na Araw – worth it na daluhan.

🍃 Fasting & Abstinence:
Sa Mahal na Araw, lalo na sa Biyernes Santo, paanyaya ng Simbahan ang pag-aayuno at abstinensiya.
Simple lang ang diwa nito: pagkontrol sa sarili at pag-alala sa sakripisyo ni Jesus.

👉 Para sa kabataan, hindi lang ito “pag-iwas sa pagkain o luho,” kundi training ng puso – matutong magsakripisyo, magpigil, at unahin si God kaysa comfort.

👉 Ang kaunting gutom o pag-iwas sa luho ay nagiging paalala na mas mahalaga si Kristo kaysa sa anumang pansamantalang bagay.

📖 Hindi lang post, dapat isabuhay!
Okay lang mag-share, pero mas mahalaga:
• maging mabuti at ‘wag pasaway
• makipagkasundo at magpatawad
• tumulong sa bahay at magkawanggawa

👨‍👩‍👧 Family time = God time din
• Sama-samang magsimba at magdasal
• Kwentuhan (kahit walang phone muna)
• Maari ring manood ng faith-based content

⚖️ Balance is the key!
Gala? Go. Friends? Go.
Pero tanungin mo rin ang sarili mo:
👉 “May time ba ako para kay God?”

💬 Be a good influence – online and offline
Simple lang: be real, kind, and respectful.
“Maging halimbawa ka…” (1 Timoteo 4:12)

❤️ Final thought:
Hindi hadlang ang bakasyon sa faith –
pwede pa nga itong maging best time para mas mapalapit kay God.

Enjoy your break… pero isama mo si Lord sa journey mo. 🙏

#MahalNaAraw
#PaschalTriduum
#PayoNiPads

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay