
Dalawang dating Miss Universe at isang dating Miss International ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo.
Habang nasa United Arab Emirates, sinabi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na binoto niya si Robredo bilang pangulo sa pagsisimula ng botohan para sa overseas Filipino.
Kamakailan lang, naghayag din ng suporta si 2018 Miss Universe Catriona Gray ng suporta kay Robredo sa isang video.
Aniya, taglay ni Robredo ang malawak na karanasan bilang lider na makatutulong sa bansa. Naghayag din ng suporta kay Robredo si Miss International 2016 Kylie Versoza sa kanyang social media accounts.
Bago rito, nagdeklara rin ng suporta kay Robredo ang actor na si Piolo Pascual at aktres na si Anne Curtis.
Nakatuon ang platapormang “Oplan Angat Agad” ni Robredo sa paglikha ng trabaho, pagpapaganda ng sistema ng kalusugan at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.