Connect with us

Entertainment

Bente Productions, Pinalalawak Ang Abot Na Mga Kuwentong

Published

on

Ni, Rapids Journal

BUSAN, South Korea โ€” Layuning maipakilala sa mas malawak na pandaigdigang audience ang mga kuwentong Pilipino ang paglahok ng BENTE Productions Inc. sa Asian Contents and Film Market (ACFM) sa Busan, South Korea.

Ayon kay Cyrene Lubigan, vice president ng BENTE Productions Inc., mahalagang maiparating sa mas maraming manonood, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Korea at iba pang bansa, ang mga kuwento ng mga kliyente at komunidad na bahagi ng CARD Mutually Reinforcing Institutions (CARD MRI).

Kasama sa delegasyon ng BENTE Productions sa Busan ang mga miyembro at staff ng CARD MRI na naging mga aktor at aktres sa mga pelikulang ginawa ng produksiyon. Kabilang sila sa mga talentong natuklasan at nahasa mula sa komunidad upang maibahagi ang mga kuwentong sumasalamin sa buhay, tagumpay, at pakikipagtulungan ng mga Pilipino.

Isa sa mga tampok na proyekto ng BENTE Productions ang full-length film na Kusinerang Bulag, na inaasahang mapapanood bago matapos ang taon. Patuloy rin ang paghahanda ng produksiyon para sa susunod nitong pelikula, na inaasahang magiging mas malawak ang saklaw at magbubukas ng mga oportunidad para sa pakikipagtulungan sa iba pang production companies, kabilang ang mga nasa ibang bansa.

Bukod sa pagpapakilala ng mga pelikulang Pilipino, nagsisilbi ring pagkakataon ang ACFM upang matuto ang BENTE Productions mula sa mga eksperto at pangunahing manlalaro sa industriya ng pelikula at digital content.

Inaasahan ni Lubigan na ang mga kaalaman at ugnayang mabubuo sa pagtitipon ay makatutulong sa pagpapahusay ng paggawa ng mga pelikula at social media content ng produksiyon, kasama ang mga kliyente at staff ng CARD MRI.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng mga media partner sa pagsusulong ng kanilang mga proyekto at adbokasiya.

Sa pamamagitan ng filmmaking, layunin ng BENTE Productions na higit pang palawakin ang adbokasiya ng CARD MRI sa paglaban sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon at nagpapakita ng kakayahan ng mga miyembro ng komunidad na maging bahagi ng malikhaing industriya.

Patuloy namang nagpapasalamat ang produksiyon sa mga miyembro, staff, at media partner na naglalaan ng kanilang talento at suporta upang maisakatuparan ang layuning maipakilala ang mga kuwento ng mga Pilipino sa mas malawak na audience.

#newsfeed #NewsUpdate #benteproduction #trending #everyone #asiancontentfilmmarket @a

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay