
KALIBO, Aklan- Personal na pinuti ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores ang dalawang kabataang Aklanon na parehong nagwagi ng bronze medals sa kakatapos na 2025 World Mathematics Invitational (WMI) Final Round na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Kinilala ni Miraflores ang mga kabataan na sila Bran Patnugot ng Numancia, Aklan at si Jassy Yleese ng bayan ng New Washington, Aklan.
Ginanap ang nasabing pangdaigdigang competition sa Impact Arena, Muang Thong Thani, Bangkok, Thailand noomg July 27-29, 2025.
Napag-alaman na si Bran ay mag-aaral sa Infant Jesus Academy habang si Yleese naman ay Grade 8 na estudyante ng St. Marys Academy sa Iloilo City.
“Magkaiba man ro eskwelahan nga ginarepresentar, pareho man gihapon nga Proud Aklanon! Congrats!,” pahayag ni Miraflores sa kaniyang Facebook post.
Sa nasabing kompetisyon, nirepresenta ng dalawang kabataan hindi lamang ang lalawigan ng Aklan kung di pati na rin ang buong bansang Pilipinas.
Ang WMI na binuo ng bansang Taiwan sa kauna unahang pagkakataon ay naglalayong pasikatin pa ang pagamit ng mathematics. Layon din nito na mahikayat ang mga kabayaan na mapalawak ang kanilang pananaw, maranasan ang ibat ibang uri ng kultura at iba pa.