Connect with us

Latest News

DepEd-Aklan, handa sa pagpapatupad ng full face to face classes sa Nobyembre 2

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

(Litrato ng Nabaoy Elementary School)

Ni: Mary Hope Zonio

Inihayag  ni Dr. Feliciano Buenafe, DepEd Schools Division Superintendent ng Department of Education o DepEd-Aklan na 100 percent  na silang handa para sa pagbubukas ng full face to face classes sa lalawigan ng Aklan sa petsa 2 ng Nobyembre.

Ayon pa kay Dr. Buenafe na sa kanilang pagpapatupad ng limited face to face classes noong buwan ng Agosto ay wala naman silang naging problema bagay na nagbibigay rin umano sa kanila ng kumpiyansa na magiging maayos ang full implementation ng in person classes.

Maliban pa dito ay alam na rin nila ang basic education learning continuity plan kung saan mahigpit na ipinapatupad ang mga health protocols laban sa COVID 19 kasama ang tamang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.

Samantala, sinisiguro rin umano ng kanilang tanggapan na kaya nilang tanggapin ang lahat ng mga mag-aaral dahil sa sapat na classrooms.

Sa kabilang dako, humihiling naman  ng tulong si Dr. Buenafe sa mga magulang at sa iba’t ibang sektor ng komunidad na makipagtulungan para sa pagbalik ng full face to face classes sa kabila ng hinaharap na pandemya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay