Connect with us

Latest News

Fairways kakasuhan ang nagpakalat ng ‘fake news’

Published

on

Boracay Island – Inihahanda na sa ngayon ang nararapat na kaso na isasampa laban sa isang hindi kinilalang content creator na nakakasira diumano sa imahe ng Fairways and Bluewater Boracay.

Ayon sa isang source, na tumanging magpakilala dahil hindi awtorisado sa pagbibigay ng pahayag, nakilala na nila ang nagpakalat ng chat sa messenger na naipost sa Facebook at iniuugnay eto sa Fairways.

Sa mga naging komento kasi ng netizens, inihahayag na may isang empleyado diumano ang nagsasagawa ng imoralidad sa nasabing resort.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Fairways, ang nasabing diumanoy empleyado ay hindi konektado sa nasabing resort.

Nagbabala naman ang Fairways sa sino man na tigilan na ang pagpapakalat ng kopya ng nasabing messenger chat dahil isa lamang etong ‘fake news.’

Ang Fairways ay isang premyado resort at isa sa pinaka matagal af respetadong resort sa Boracay.