Connect with us

Agriculture

Filipino Food Month 2026 Suportado ng Department of Agriculture-Western Visayas

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Iloilo City- Opisyal nang binuksan ang pagdiriwang ng Filipino Food Month 2026 sa SM Iloilo Terminal Market, tampok ang temang “Connected by Taste: The Filipino Food in the Flavors of ASEAN.”
Ayon kay Department of Agriculture-Western Visayas Regional Executive Director Dennis Arpia. layunin ng selebrasyon na kilalanin at ipagdiwang ang mayamang kultura at pamana ng pagkaing Ilonggo, habang ipinapakita kung paano nakaugnay ang lutuing Pilipino sa iba’t ibang lasa at impluwensya ng mga bansa sa ASEAN.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagtalima sa Presidential Proclamation No. 469 na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang “Buwan ng Kalutong Pilipino,” na pinangungunahan ng Department of Agriculture at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) upang itaguyod ang pagkaing Pilipino bilang mahalagang bahagi ng ating kultura, agrikultura, at pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, bukas ang food and product exhibit mula Abril 6 hanggang 8 sa SM Iloilo Terminal Market, kung saan tampok ang iba’t ibang lokal na pagkain, agricultural products, at delicacies sa mga probinsya sa Panay.
“Inaanyayahan ang lahat na bumisita, tumikim, at suportahan ang ating mga lokal na produkto habang ipinagdiriwang ang sarap ng pagkaing Pilipino na nagdurugtong sa ating kultura at komunidad.” ayon kay Arpia.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay