Election 2025
Gimik ni Imee di bumenta kay Honeylet: ‘Pa-ekek lang’

Hindi bumenta kay Honeylet Avancena, ang partner ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ang ang imbestigasyon ni Senadora Imee Marcos ukol sa pag-turnover sa dating Pangulo sa International Criminal Court (ICC).
Nang tanungin ng media sa The Hague ukol sa imbestigasyon ni Imee, tinawag ito ni Honeylet na โpa-ekek na lang yonโ at sinabing hindi siya naniniwala kay Marcos.
โTanong siya na โano ba talaga nangyariโ? Hindi ba niya nakita ang nangyari?โ ani Honeylet.
Binatikos naman ni Senate President Francis Escudero si Marcos sa paggamit sa Senado para isulong ang kanyang personal na agenda at pangangampanya. Naaalarma na ang kampo ni Imee sa patuloy na pagbagsak ng kanyang ratings sa survey. Patunay ng bumabagsak na popularidad ni Imee ay ang nilangaw niyang motorcade na nag-viral sa social media.
Batay sa video, wala man lang taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck.
โMotorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin niyo naman si Imee guys,โ komento ng isang vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nitoย angย viralย video Binatikos din ng netizens si Imee Marcos matapos kumalat sa social media ang video na nagpapakitang nandiri siya sa isang supporter na nagpakuha ng larawan sa kanya.
Sa video post ng Facebook page na Boldyakera, makikita ang isang babae na excited magpakuha ng larawan kay Imee pagkatapos ng isang event. Humawak ang babae kay Imee, na agad namang inalis ang kanyang braso at lumayo na tila nandidiri. May bodyguard namang lumapit sa babae at inilayo ang kanyang braso sa mambabatas.
โKawawa naman si ate napahiya. Ayaw pahawakan, kasi feeling so malinis,โ komento ng isang netizen.


