Connect with us

Election 2025

Panay Island todo-suporta kay Senador Aquino

Published

on

Iloilo City- Nakuha ni dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ang endorsement ng ilang mga lokal na opisyal ng Panay Island sa pagbisita niya sa lugar kamakailan.

Kabilang sa mga nag-endorso kay Aquino sina Iloilo City Mayor Jerry Treñas at anak nito na si Raisa Treñas, na tuamtakbong mayor sa darating na halalan.

Sa Capiz naman, nangako ng suporta sina Mayors Dante Eslabon (Sigma), Atty. Matt Hachuela (Dumarao), at Nonong Barruela (Dao)

Sa Iloilo province, inindorso siya nina District 1 Rep. “Doc Nanay” Janette Garin, Mayor Engr. Tatay Richard Garin (Miagao), at tumatakbong Mayor at Vice Mayor na sina Val Serag (San Joaquin) at Renren Trespeces (Oton), ayon sa pagkaaksunod.

Sa District 2, nagpahayag ng suporta sina Rep. Mike Gorriceta atkanyang asawa na si Doc Kathy Gorriceta, at Mayor Dennis Superficial (Sta. Barbara). Si Doc Kathy ay tumatakbo bilang kongresista ng Distrito Dos.

Suportado rin si Aquino nina 3rd District Rep. Nonoy Defensor, Board Members Jason Gonzales, Matt Palabrica at Amalia Debuque, Mayor Adi Lazaro, at mga punong barangay ng Pototan.  Si Palabrica ay kandidatong Mayor sa Bingawan.

Sa District 4, inindorso nina Rep. Ferj Biron, at mga Mayor na sina BP Biron (Barotac Nuevo) at BJ Biron (Dumangas) si Aquino, habang kabilang naman sina Rep. Boboy Tupas, Board Member Binky Tupas, at Mayor Bongbong Tupas (Barotac Viejo) sa mga sumusuporta sa dating Senador sa District 5.

Si Rep. Tupas ay tumatakbong Vice Governor habang si BM Binky naman ang kandidato bilang kongresista ng District 5.

Sa Aklan, nakuha rin ni Aquino Rep, Lito Marquez, Mayor Dex Calixo (Balete), Vice Mayor Cynthia Dela Cruz (Kalibo), at Jess Marquez. Sina Calixo at Jess Marquez at kandidato bilang Vice Governor at kinatawan ng Unang Distrito, ayon sa pagkakasunod.

Noong 2019 senatorial elections, pumangatlo si Aquino sa Aklan, Antique at Iloilo at pang-apat sa Capiz at Guimaras.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *