Connect with us

Election 2025

Tinaguriang ‘Notorious Nine ng Aklan’ pinapa disqualify na sa COMELEC?

Published

on

KALIBO, Aklan- PORMAL nang sinampahan ng disqualification cases sa Commission on Elections (COMELEC) Central Office ang kiukunsiderang “Notorious Nine” ng Aklan, kasunod ng mga reklamo dahil sa umano’y malawakang pamimili ng boto, dayaan at paglustay sa yaman ng bayan para sa pansariling interes.

Ang notorious nine ay mga  kandidato mula sa partidong lokal na Tibyog Akean, inaakusahan ang grupo ng diumanoy matitinding lumabag  sa Omnibus Election Code — kabilang dito ang diumanoy maling paggamit ng pondo ng bayan, pagpapagamit sa mga empleyado ng gobyerno sa gawaing pang-partido, at pamimigay ng mga insentibong gaya ng gas vouchers upang impluwensyahan ang mga botante.

Tinawag ng mga nag-aalalang hindi kililalang  botanteng Aklanon na si Gobernador at reeleksiyonistang si Jose Enrique “Joen” Miraflores; dating Gobernador at kandidato sa ika-2 Distrito si Florencio “Joeben” Miraflores; kandidato sa ika-1 Distrito si Jesus “Papa Jess” Marquez; kandidato sa Bise Gobernador na si Dexter Calizo; at mga kandidato sa Provincial Board na sina Bayani “Jojo” Cordova, Romeo “Lolong” Dalisay, Jupiter Aelred Gallenero, Atty. Ricardo “Tingtong” Ibarreta, Jr., at Plaridel “Larry” Solidum.

Ayon sa mga complainant, naidokumento nila diumano ang  malawakang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno, partisipasyon ng mga empleyado ng pamahalaan habang oras ng trabaho, at maramihang pamamahagi ng campaign materials, gas vouchers, at iba pang insentibo — bagay na inilarawan ng mga residente bilang isang “organisado at tahasang pandaraya sa halalan.”

“Hindi na ito tungkol sa maruming politika, kundi sa mga politikong marurumi,” ani ng isang nagmamalasakit na Aklanon, na sumasalamin sa lumalakas na sentimyento ng bayan.

Kapag napatunayang may basehan ang mga reklamo, maaari silang maharap sa habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan, alinsunod sa batas sa halalan ng Pilipinas.

“Sobra na. Panahon na para habulin ng batas ang matagal nang nag-aakalang sila ay nasa itaas nito,” ani pa ng isa pang mamamayan. “Ito ay laban para maibalik ang dangal at integridad sa halalan sa Aklan.”

Nauna nang inihayag ni COMELEC Chairperson George Garcia sa mga nasasangkot, matapos kumpirmahin ang mga ulat ng iregularidad mula mismo sa lalawigan. “’Dyan sa may bandang Aklan, may namimigay dyan ng gas coupon,” ani Garcia sa isang panayam. “Warning ito sa kanila — we are watching you.”