
KALIBO, Aklan- Isang residente ng Ibajay, Aklan ang nagkamit ng parangal magmula sa University of the Philippines-Visayas dahil sa ipinakita nitong kahusayan sa pagsusulat sa larangan ng panitikan ngayong taon.
Ang nasabing Ibajaynon ay si Perry Mangilaya na isang editor ng Liwayway Magasin. Nakopo ni Mangilaya ang second prize sa isinumite nitong One Act Play (Open Category) na may titulong ‘Virgen Milagrosa,’
Ang patimpalak ay sa ilalim ng programang Padya Leoncio P. Deriada Para sa Panulatan na inilunsad noong nakalipas na taon ng UPV-Division of Humanities.

Si Leoncio P. Deriada ay nakilala noong nakalipas na siglo sa larangan nang panitikan sa buong bansa dahil 17 na awards mula sa Palanca sa iba’t ibang pagkakataon. Pinamunuan din nito ang Sentro ng Wikang Filipino ng Institusyon ng UPV.
Dahil sa inspirasyon na eto ni Deriada, nagdesisyon ang UPV na ilunsad ang programa para kilalanin ang kahusayan ng mga taga Visayas sa larangan ng panitikan.