Connect with us

Latest News

Ilang mga bayan sa Aklan binaha; pasok sa lahat ng antas sinuspendi ngayong araw

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio
Litrato: Naisud Barangay Council

KALIBO, Aklan-Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan nakaranas ng grabeng pagbaha ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Aklan. Sunod-sunod namang nagpalas ng advisory ang mga alkalde sa iba’t ibang bayan upang kanselahin ang klase. Walang pasok kanina ang lahat ng antas sa bayan ng Libacao, Banga, Balete, Makato, Tangalan, Numancia, Kalibo, at Lezo.

Malawakang pagbaha naman ang naranasan sa bayan ang Kalibo kung saan maraming mga motorista ang nahirapang tumawid at umaabot pa sa 3 meter ang level ng tubi sa Aklan river na sakop nito kung saan ito ay malapit sa 5 meter na itinuturing na critical level.

Samantala sa bayan naman ng Ibajay, Nabas at Malay ay pinasok pa ng tubig ang ilang mga kabahayan.

Nakapagtala naman ng landslide sa bayan ng Libacao na maaga namang binigyang aksyon ng Local Government Unit o LGU upang madaan ng mga biyahero. Naitala rin ang landslide sa mga bayan ng Buruanga at Nabas.

Ang Philippine Coast Guard Aklan naman ay nagpalabas ng advisory may kinalaman sa kanselasyon ng lahat ng sea sport activities sa Isla ng Boracay.

Nagsagawa naman ng alarm ang Malay MDRRMO Miyerkules ng umaga para ipaalam sa mga residente na maghanda na sa posibilidad ng forced evacuation sa rias na bahain,.

Patuloy namang pinag iingat ng Malay MDRRMO ang mga turista at residente sa isla ng Boracay.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay