Connect with us

Latest News

Kasong isinampa ni dating Congressman Haresco laban sa grupo ng Tibyog ni dismiss ng COMELEC

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

MANILA-Pormal nang na dismiss ng First Division ng Commission on Election o COMELEC ang kasong disqualification na isinampa ni dating second district Congressman Teodorico Haresco Jr kaban sa ilang kandidato sa ilalim ng Tibyog-Aklan.

Sa 25 na pahinang desisyon na  nakuha ng Boracay Island News Network (BINN), ang dismissal sa kasong petition for disqualification na isinampa ni Haresco ay nilagdaan nila Presiding Commissioner Aimee Ferolino, Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr at Commissioner Maria Norina Casingal.  Nilagdaan ng mga eto ang nasabing mga dokumento na may petsang August 6, 2025.

Ilan lamang sa mga sinampahan ng disqualification ni Haresco ay ang naging kalaban nitong si incumbent second district congressman Florencio Miraflores, Governor Jose Enrique Miraflores, Vice Governor Dexter Calizo maging ang mga kandidato ng mga eto na tumatakbo sa Sanguniang Panlalawigan.

Isinampa ni Haresco ang kaso sa COMELEC nitong April 14, 2025. Ginamit kaso diumano ng grupo ni Congressman Miraflores ang kapitolyo sa pangangampaniya noong nakalipas na election.

Itinangi  naman eto ng mga respondents at itinuro si Atty. Selwy Ibaretta, provincial administrator sa kaniyang diumanoy kamalian sa pagsagawa ng dokumento. Dahil dito, binigyan si Atty. Ibarettta ng sampung araw na suspensyon sa kapitolyo.

Ayon pa sa COMELEC, kulang ang naipresenta na mga ebidensiya ni Haresco laban sa mga respondents sa COMELEC dahilan para balewalain ang kasong disqualification ng mga eto.

Hindi naman malinaw kung magsasampa ng apela si Haresco sa COMELEC.

Dahil sa desisyon na eto ng COMELEC, inaasahang tuloy tuloy ang magiging serbisyo ng grupong Tibyog hangang sa pagtatapos ng kanilang termino sa taong 2028.

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay