
Ni: Mark Sy
Kalibo Mayor Juris B. Sucro personal na tumungo sa Pasig City Hall, Metro Manila upang iturn-over ang isang Wanted Person ngayong araw ng Lunes, Setyembre 19, 2022.
Kinilala ang suspek na kinilalang si Rey E. Billones, 23, tubong Jamindan, Capiz, at nagtatrabaho bilang sekyu. Nahuli ng Kalibo PNP ang suspek matapos kumuha ng Police Clearance noong Setyembre 1 at napag-alaman sa kanilang Database na may pending itong Warrant of Arrest sa kasong rape.
Matapos mahuli ay pansamantala itong ikinulong sa lock-up cell ng Kalibo PNP. Bukod sa pagdala sa suspek, personal rin na nagkita sina Mayor Sucro at Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan kinumpirma ni Mayor Sotto ang SISTERHOOD ng Pasig City at bayan ng Kalibo.
Ayon kay Mayor Sucro, matagumpay ang pagkakaturn-over sa suspek at magpapatuloy ang kanyang pakikipagtulungan sa mga otoridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga Kalibonhon.
#BagongKalibo