
Ulat ni: Mary Hope Zonio
Kalibo Aklan——- Lubos ang pagkadismaya ngayon ng ilang mga residente sa Aklan matapos na mabiktima ng pekeng sofa na ibinebenta sa murang halaga ng mga delivery trucks.
Ayon sa pahayag ng isa sa mga biktima na si Mitch Villanueva Zonio, residente ng Libacao, Aklan na nabili niya ang sofa sa halagang 4,500 mula sa orihinal na presyo nitong 12,500 dahil nag-alok ng malaking discount ang delivery truck sa dahilan na marami umano ang natira sa kanilang stocks na ibinebenta sa mga malalaking establisyemento.
Dagdag pa Zonio na nalaman na lamang nila na peke ang nasabing sofa matapos na masira eto halos dalawang linggo lang ang nakalipas mula ng kanilang bilhin. Sinubukan nilang buksan ang sofa at doon ay napag-alaman nila na kahoy at cartoon pala ang laman nito at hindi foam.
Samantala, sa bayan naman ng New Washington ay mayroon ring masobra sa limang mga residente ang nagpahayag na sila rin ay biktima ng kaparehong panloloko. Ayon kay Alyas “Kambal” mula sa Barangay Fatima, New Washington na lubos rin ang kanilang paghihinayang matapos mapag-alaman na cartoon lang pala ang laman ng kanilang binili na sofa na nabili rin sa isang delivery truck na dumaan sa kanilang bahay.
Halos nagtatagal lang umano ng isa hanggang dalawang linggo ang kanilang mga nabili na sofa at pagkatapos nito ay nasisira na. Nanawagan rin ito sa lahat ng mga Aklanon na huwag basta bastang bumili ng gamit sa mga nag-aalok sa tabi-tabi.
Gusto rin niya na tumigil na ang mga delivery trucks sa kanilang ginagawang modus dahil masakit umano para sa kanila na mapunta lang sa wala ang kanilang pera.