
Mi: Mary Hope Zonio
lKaibo Aklan———Ipinagmamalaki ngayon ng Bureau of Jail and Management Penology o BJMP-AKLAN na nananatiling ligtas sa illegal na droga ang kanilang tanggapan matapos ang matagumpay na Greyhound Operation na isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Agency o PDEA sa mga selda kung saan walang anumang kontrabando na nakumpiska.
Samantala, inihayag rin ni Jail Inspector Rolyn Malolos, Jail Warden ng BJMP-AKLAN na nag-negatibo rin ang nasa 38 na mga Persons Deprived of Liberty o PDL na isinailalim sa random drug test o katumbas ng 25 percent ng kabuuang 156 na kabuuang numero ng jail population.
Dagdag pa nito na isinailalim rin ang lahat ng mga tauhan ng BJMP sa drug test kung saan ang naging resulta ay puro negatibo sa illegal na droga. Kaugnay nito, ipinasiguro ni Malolos ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa buong tanggapan upang maiwasang mabahiran ng illegal na droga.