
Ni: Mary Hope Zonio
Pursigido ngayon ni Aklan First District Representative Carlito Marquez na magkaroon ng Department of Foreign Affairs (DFA) consular office sa lalawigan ng Aklan.
Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Marquez na upang mas mapalawak pa ang matulungan at mabigyan ng serbisyo sa ilalim ng iba’t ibang mga programa ng DFA ay kailangan munang magkaroon ng consular office hindi lamang sa lalawigan ng Aklan kungdi maging sa buong Western Visayas.
Aniya kung mayroon ng consular offfice ang DFA sa Aklan ay ilalagay ito sa bayan ng Kalibo. Dagdag pa nito na makatulong rin ito upang mas magiging madali sa mga Aklanon ang paggawa ng appointment, pagkuha o pag-renew ng passport at Philippine visa.
Hindi na rin kinakailangan pang pumunta ang mga Aklanon sa Iloilo o Bacolod upang makakuha ng mga nasabing dokumento.