
Malay, Aklan- Dumarami ang mga grupong nagpahayag ng pagkondena sa pagkamatay ng 14 anyos na dalagita sa bayan ng Nabas, Aklan.
Isa sa paibagong nagbigay ng pahayag ay ang grupo ng Federation of Women Association in Boracay and Malay (FEWABOMA).
Ayon kay Desiree Segovia, presidente ng FEWABOMA nadismaya ang may daan daang kababaihang miyembro nila dahil sa insidente at umaasa silang mabiibgyan ng hustisya ang pamilya sa lalong madaling panahon.

“Bilang mga babae na lumalaban sa lahat ng anyo ng karahasan sa kababaihan sa bayan ng Malay, ang paggahasa at pagpatay sa 14 year old na babae sa Brgy. Unidos, Nabas, Aklan ay isang karumaldumal at kasuklamsuklam na pangyayari sa buhay ng isang babae! Marami pa rin talagang pagkakataon na hindi pa rin ligtas ang mga kababaihan hanggang ngayon sa loob ng bahay o komunidad. Yung safety sana ng isang babae na para lang maging sarili nya, may mga tao pa rin talagang hindi appreciative sa kung anung gustong sabihin or isuot ng mga babae,” pahayag ni Segovia.
“Ang panggagahasa o panghahalay, ayon sa Batas sa Pilipinas, ay itinuturing na isang kriminal na pagkakasala na ang krimeng ito ay mapaparusahan ng pagkabilanggo habang buhay. Nakikiisa kame sa pagkondena sa kung sino man ang may kagagawan nito. Magtulungan po tayo para mahuli ang mga mapangabuso para mawakasan o masugpo ang mga karahasan laban sa kababaihan. Sabay sabay kame na sumisigaw na mabigyan ng justisya ang biktima at kanyang pamilya,” dagdag pa ni Segovia.