Connect with us

Politics

Mga Pinalanggang Aklanon

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Konsehal Fernando “Sir Totoy” Evangelio Delos Reyes, Jr.
Barangay Yapak, Malay, Aklan

Hindi basta-basta magbabahagi ng impormasyon ang pinakamataas na opisyal ng Gobyerno sa Aklan at ang ating kinatawan sa Ikalawang Distrito kung wala silang sapat na batayan at katotohanang pinanghahawakan.
Gayunpaman, hindi rin natin maikakaila na hangga’t walang opisyal na pahayag mula sa San Miguel Corporation at sa Department of Public Works and Highways hinggil sa tuluyang pagkansela ng proyekto ng tulay, nananatiling may puwang upang ito ay itanggi o i-deny ng SMC.
Bilang isang Aklanon at tunay na Boracaynon, buo ang aking suporta sa ating mga opisyal sapagkat naniniwala akong ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kapakanan at kinabukasan ng mamamayan. Hindi natin nais marinig ang ganitong balita, lalo na kung tila may hindi pagkakatugma sa mga impormasyong naiparating sa ating mga lider at sa mga pahayag na lumalabas ngayon.
Sa kabila ng lahat, mas kinakailangan ngayon ang ating pagkakaisa bilang mga Aklanon.
Panindigan natin ang ating suporta sa mga opisyal na nagsisikap magsilbi nang tapat at patuloy nating ipaglaban ang mga proyektong makapagbibigay ng pag-unlad sa ating lalawigan at hadlangan ang makakasira sa kalikasan at makakaapekto sa mamamayan.
Kung ito man ay itinatanggi ng SMC, hindi malayong may mga estratehiyang naglalayong sirain ang tiwala ng mamamayan sa ating Gobernador at Congressman na kapwa nagsusulong ng kapakanan ng Aklan.
Mga Aklanon, huwag tayong magpahati. Sa pangyayaring ito, tayong lahat ay apektado at biktima ng kalituhan. Mas higit nating kailangan ang pagkakaisa, pag-unawa, at paninindigan para sa ikabubuti ng ating lalawigan at ng bawat Aklanon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay