
KALIBO, Aklan- Nagbahagi kamakailan si Police Executive Master Sergeant Michael Pontoy ng Aklan Provincial Police Office (APPO) ng kaniyang kaalaman hingil sa Gender and Development (GAD).
Ibinahagi niya eto sa may 300 na kliyente ng Aklan Parole and Probation Office sa pangunguna ni Ms Cherry Umiten. Isinagawa ang programa sa Bagong Kalibo Pastrana Park Covered Court noong Marso 25, 2025 alas nuwebe ng umaga.
Nagbigay din ng kaniyang personal na mensahe si Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro bilang bahagi ng 2026 Women’s Month Celebration. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “WE for Gender Equality and Inclusive Society, Lead Like the Babaylan Filipinas!”
Isa si Pontoy sa APPO na nagsusulong ng Gender Equality bilang isa sa mga aktibong miyembro ng Men Oppose to Violence Everywhere (MOVE) na inilunsad noong taong 2006 ng Philippine Commission on Women,