
Ni: Mary Hope Zonio
Lezo, Aklan- Malaking ginhawa para sa mga member-consumers ng Aklan Electric Cooperative, Inc. o AKELCO ang patuloy na pagbaba ng power rate para sa residential at commercial consumers.
Sa inilabas na bagong power rate ng AKELCO ay makikita ang patuloy na pagbaba ng kanilang singil sa kuryete ngayong buwan ng Abril kung ikumpara noong Marso.
Napag-alaman sa sa residential consumers ay mayroong pagbaba na umaabot sa 0.51 sa Gen. System charge; 0.07 sa system loss charge; 0.002 sa government charges; at 0.02 sa E-Vat . Samantala may pagtaas naman ng 0.08 sa Transmission charge.
Para naman sa mga commercial consumers ay naramdaman rin ang 0.51 na pagbaba sa Gen. System charge; 0.07 sa system loss charge; 0.002 sa government charges; at 0.02 sa E-Vat . Samantala may pagtaas naman ng 0.70 sa Transmission charge.
Sa kabuuan noong Marso ay mayroong 14.27 samantalang sa Abril ay 13.64 o pagbabang umaabot sa 0.53 sa grand total cost w/ VAT ( Kwh) para sa residential consumers samantalang sa commercial consumers naman ngayong Abril ay mayroong 12.79 na mas mababa sa 13.33 noong Marso o mayroong umaabot sa O.54 na pagbaba sa grand total cost w/ VAT (Kwh).