
Ni: Mary Hope Zonio
KALIBO, Aklan-Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatakdang dumalaw ang Black Nazarene o Poong Nazareno mula Quiapo sa lalawigan ng Aklan sa Abril 20 hanggang Abril 23.
Ayon kay Truly Flaviano Jr., founder ng Sr. Serene de Aklan at Efren Calma , Vice President at musician na nakatakda itong dumaong sa Caticlan Jetty Port bandang alas-9 ng umaga at magsasagawa ng motorcade mula sa Caticlan papuntang Numancia alas-11 ng umaga.
Magsasagawa rin ng welcome mass bandang alas-5 ng hapon sa Rosario, Malinao at farewell mass sa Abril 25 pabalik sa Caticlan.
Dadalhin rin ang Poon sa Poblacion, Banga sa Abril 22 samantalang sa Abril 23 ay dadalhin rin ito sa bayan ng New Washington.
Maliban dito, may gaganapin ring grand procession, misa at youth presentation kasama ang pagpahalik sa mga deboto. Paalala ni Flaviano sa publiko na sana ay patuloy na manalig, maniwala at magdasal sa Poong Nazareno.