Connect with us

Latest News

Malay Ati Chieftain na namatay sa boat collision inilibing na

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Malay Aklan- Inilibing na Sabado ng hapon ang labi ng namatay na chieftain ng mga ati ng Malay, Aklan dahil nitong Sabado.

Namatay ang biktimang si Ernesto Coching, 64 habang sakay ng kanyang fishing boat ay sinagasaan eto ng speedboat na pagmamay-ari ng isang five star resort.

Bago ang paglilibing, nag alay muna ng misa sa chapel ng Baptist Church sa kabundukang bahagi ng Barangay Cubay, Malay Aklan. Matapos ang misa, binuhat eto paakyat ng bundok may ilang metro ang layo mula sa simbahan patungo sa sementeryo ng mga katutubong ati sa nasabing lugar.

Tumulong sa pagbubuhat ang mga operatiba ng 2nd Provincial Police Mobile Group ng Aklan Provincial Police Office.

Bumuhos naman ang emosyon sa mga miyembro ng ati. Habang nakikipaglaban, nagsuot naman ang mga ati ng puting tshirt na justice for Ernesto Coching.

Nagsampa na ng kaso kamakailan ang mga ati sa Aklan Provincial Prosecutor’s Office laban sa driver ng nasabing speedboat.

Matapos ang libing, ilan sa mga dumalo ay nagsagaa ng tradisyonal na Suob kung saan nagsindi sila ng apoy galing sa bulaklak na inialay sa namatay. Paniwala ng mga taga Malay, hindi sila masusundan ng espiritu ng namatay na namayapa na.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay