
MALINAO, Aklan- Suportado ng maraming residente ang pag protesta ng isang residente laban sa diumanoy plano ng St. Joseph the Worker Parish sa Malinao,Aklan hingil sa proyekto paglalagay ng malaking ceiling fan sa loob mismo ng simbahan.
Ayon sa Facebook post ng nagpakilalang si Rocky Inawasan, kilala ang Malinao Parish bilang isang cultural heritage site sa lalawigan ng Aklan.
Base sa tala ng mga historian, itinayo ang simbahan ng Malinao, Aklan noon pang taong 1717. Naging ganap eto na parish noong taong 1798.
Paniwala ni Iwasan, nakakasira diumano ang paglalagay ng ceiling fan sa makalumang istruktura ng simbahan lalo na sa tradisyon nito tuwing panahon ng kapaskuhan.
Kilala ang Malinao Parish sa tradisyon nitong ‘paglalayag ng kometa’ sa panahon ng pasko.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung tutugunan ng pamunuan ng Malinao Parish ang protesta na eto na inilatag ni Inawasan sa kaniyamg Facebook post.