Connect with us

Politics

Sa Kaniyang Pagbabalik; Tito Ted, Papasiglahin ang Operasyon ng Kalibo Airport

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- May ilang buwan na ang nakalipas nang magulat ang karamihan sa first district na masilayang muli si dating second district congressman Teodorico Haresco, at ngayon ay muling nagpapakilala sa tawag na Tito Ted.

Bagaman tumangi munang magpahayag ng intensyon nito sa posibleng pagbabalik sa pulitika, sinabi nitong isa sa kaniyang prayoridad ay muling mapasigla ang operasyon ng Kalibo International Airport (KIA).

Noong nakalipas na lingo, dinala ni Tito Ted ang isa sa kaniyang matalik na kaibigan na si Engr. Phillip Gouvary isang French national. Nilibot ni Engr. Gouvary ang karagatan ng Batan at New Washington para pag aralan ang iguguhit na disenyo para pagdugtungin ang dalawang bayan sa pamamagitan ng paglalagay ng tulay.

Ayon kay Haresco, simula pa lamang eto. Isa sa kaniyang pagtutuonan ng pansin ay para muling pasiglahin ang operasyon ng Kalibo International Airport. Kung matatandaan, bago ang COVID 19 pandemic isa ang KIA sa may punakamaraming domestic at international flights sa buong bansa.

Matapos ang pandemya, bumaba eto sa halos apat hangang lima na flights na lamang kada araw.

“May darating akong consultant ngayong lingo para pag aralan kung papaano mapapasigla ang operasyon ng KIA,” pahayag ni Haresco.

Para mas lalong maging reyalidad ang plano ni Haresco, nakikipagtulungan eto kay USWAG Ilongo Partylist Congressman Jojo Ang na katulad ni Tito Ted ay marami ding contacts sa paghahanap ng solusyon.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay