
KALIBO, Aklan- Planong ipagpapatuloy ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang kaniyang sinimulang mga proyektong pangkalusugan sa lalawigan ng Aklan.
Ilan lamang sa mga naging proyekto ni Senator Bong Go ay ang hindi matatawarang serbisyo ng Malasakit Center sa Dr Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital. Bumisita rito si Senator Go para personal na pasalamatan ang mga health care workers na nagsakripisyo at tumulong sa panahon ng COVID 19 pandemic.
“IIsa lamang ang hinihiling ko sa inyo, habaan pa ang pasensiya sa mga pasyente na karamihan ay naghihirap nating mga kababayang Filipino,” pahayag ni Go.
Personal na sinalubong si Senator Go nila Aklan Governor Jose Enrique Miraflores at Kalibo Mayor Juris Sucro.
Namigay din si Senator Go ng mga basketball na bola at nagpakain ng lugaw sa mga pasyente.
Maliba dito, binisita rin ni Senator Go ang isa sa kaniyang proyekto ang P15 Million na Super Health Center sa Baerangay Nalook, Kalibo Aklan.